Tuluyan nang bumalik sa Orlando Magic ang bigman at two-way player na si Nikola Vucevic.
Pumirma ang batikang sentro ng kontratang nagkakahalaga ng $3.9 milyon upang muling makabalik sa dati niyang koponan.
Unang sinimulan ni Vucevic ang kanyang NBA career sa Orlando, kung saan tumagal siya ng siyam na taon.
Noong 2021, lumipat siya sa Chicago Bulls, at makalipas ang ilang taon ay naglaro rin para sa Boston Celtics.
Sa kanyang pagbabalik sa Magic, hawak ni “Vooch” ang impresibong average na 15.1 points per game, 8.4 rebounds per game, at 3.3 assists per game.
Sa siyam na taong pananatili niya sa Orlando, napanatili ni Vucevic ang double-double average na 17.6 points at 10.8 rebounds per game.
Makakasama ng bigman ang mga batang manlalaro ng Orlando gaya nina Paolo Banchero, Franz Wagner, at iba pa.
====
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
