Hindi muna nagbukas ang Vice! Comedy Club nitong Linggo matapos magpatuloy ang malakas na ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
AlaminAng Panahon
Karaniwan nang dinudumog gabi-gabi ang comedy club na pag-aari ni Vice Ganda at ng kanyang mga business partners, kaya bihira itong magkaroon ng night na walang show.
Pero dahil sa naging lagay ng panahon, minabuti ng management na kanselahin muna ang operasyon para sa gabing iyon at unahin ang kaligtasan ng kanilang staff at mga guest.
Sa social media, personal ding ipinaalam ni Vice ang desisyon sa kanyang mga tagasuporta.
“No show tonight Madlang Pipol!” anunsiyo ng Unkabogable Star.
Nilinaw naman sa kasunod na mensahe na pansamantalang sarado ang comedy club dahil sa masamang panahon.
“Due to the inclement weather, VICE Comedy Club will be closed tonight. Please stay safe and dry, everyone! We’ll see you again soon!” saad sa announcement.
====
