Isa umanong National Collegiate Athletic Association (NCAA) school ang nagsagawa rin ng team-building activity sa parehong resort sa Aurora ilang taon na ang nakalipas, kung saan nasawi kamakailan ang dalawang atleta ng Ateneo de Manila University.
Ayon sa beteranong sports broadcaster na si Quinito Henson, binalaan noon ang mga ito tungkol sa mapanganib na kondisyon ng dagat kaya walang manlalaro ang nagtungo sa dagat.
“An NCAA school did team-building in same Aurora resort twice years ago but was warned of treacherous waters so NO player went to the open sea,” ani Henson sa isang post sa X nitong Linggo.
“[Bakit] hinayaan mga Ateneo players sa dagat when some didnt even know how to swim?” dagdag pa niya.
Matatandaang nasawi sina Ateneo men’s basketball players Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa isang resort sa Dipaculao noong Hunyo 8 sa isang team-building activity.
Nauna na ring nanawagan si Henson sa Ateneo na mag-withdraw sa lahat ng sports events ng UAAP ngayong season bilang paggalang kina Baterbonia at Adili.
“Calling out Ateneo! Lets stop finger-pointing in this blame game & man up! Dont wait to be suspended—out of respect for Baterbonia & Adili, withdraw from UAAP this season in ALL sports & regain at least a vestige of its integrity,” ani Henson sa hiwalay na X post.
===
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

