Pinag-aaralan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na maglabas ng subpoena o ipatawag si Nancy dela Rosa, asawa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at iba pang indibidwal na umano’y nakipag-ugnayan sa senador bago ito makaalis sa Senado.
Bahagi ito ng patuloy na imbestigasyon at pangangalap ng impormasyon tungkol sa lokasyon ng mambabatas.
“We’re contemplating to issue subpoena to his wife also,” saad ni Matibag.
“Kasi may statement siya sa online news… that what happened on May 13, ‘yun ‘yung ginamit na opportunity ni Senator Bato to escape arrest,” dagdag niya.
Nauna nang umapela si Nancy dela Rosa sa mga awtoridad na huwag arestuhin ang kanyang asawa, na nahaharap sa warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang pahayag, hiniling niya sa mga judge na huwag maging “accessory” sa pagpapadala sa kanyang asawa sa The Hague, kung saan nakabase ang ICC, at iginiit na dapat sa sariling bansa litisin ang sinumang Pilipino.

Share.