Inaresto ang dalawang menor de edad na kapwa 16-anyos sa Barangay Lamian, Surallah, South Cotabato nang mag-post ng mga pananakot sa social media na may kaugnayan sa naganap na shooting sa Banga National High School.
Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang mga post.
Samantala, isang 18-anyos na lalaki naman ang inaresto sa Tupi nang mag-post ng larawan ng baril sa social media.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan at intensyon sa likod ng mga naturang post.
===

