Aabot na sa mahigit $100,000 ang presyo ng tickets para sa Game 3 ng NBA Finals sa Lunes (oras sa Estados Unidos).
Ito ay matapos tumaas nang husto ang presyo ng tickets matapos ang 105-104 panalo ng New York Knicks laban sa San Antonio Spurs sa Game 2 noong Biyernes.
Ayon sa Gametime sa ulat ng Yahoo Sports, aabot na sa $11,736 ang pinakamurang ticket para sa Game 3 matapos ang panalo ng Knicks, mula sa $7,142 noong Huwebes.
Para naman sa Game 4, na posibleng maging championship clincher para sa home team, umakyat sa $14,654 ang pinakamurang ticket mula sa $7,232.
Mas lalo pang nakakagulat ang presyo ng premium seats, kung saan ang lower bowl tickets para sa Game 3 ay pumalo sa $104,435. Sa Game 4 naman, ang floor seats ay umabot sa $109,106.
Naapektuhan din umano ang pagtaas ng presyo matapos kumalat ang balitang posibleng manood si US President Donald Trump sa Game 3.
Trending
- Gonzales, ‘bituin na patuloy na bubuo’ ang batang guard ng NLEX — Alapag
- Padel Pilipinas naghahanda na para sa Asian Games
- Raymart, ibinida ang bonding kasama si Santino
- Kelvin, muntik nang manakit, di pa napapatawad ang nakabangga sa ama
- Jeric, may reax sa pagdodoktor ni Rabiya
- Estudyanteng binully natagapuang patay sa ilog
- Mister kulong ng tanggihan ni misis bumembang
- 14-anyos, sexslave ng ama simula 4-anyos pa lang

