Umaapaw sa pagiging ‘proud mommy’ ang puso ni Judy Ann Santos sa karangalang ibinigay sa kanila ng anak na si Lucho Agoncillo sa sports.
Isang madamdamin at punung-puno ng pagmamalaki na mensahe para sa kanyang only boy ang ibinahagi ni Juday sa IG nya.
Nakuha ni Lucho ang “player of the match” mula sa football tournament nito kasabay ng pagpuwesto ng team nyasa 16th rank mula sa 70 plus international teams na lumahok sa laro.
Ipinakita ni Juday sa photo slide gallery ang shots ng performances ni Lucho at ang hawak nitong card kung saan nakasulat ang “player of the match” at ang pangalan ng anak na nakalagay sa 16th place na may MVP + score mula naman sa mga judges.
Ibinuhos na nga ni Juday ang laman ng puso nito sa pagwawagi ng anak.
“My dearest boy..mama’s heart couldn’t be more prouder of you, watching how you pour your heart, energy and dedication into every game..YOU ARE AMAZING! you are amazing in many, many ways..being named, “player of the match, for your team to rank 16 ou of 70+ international teams…you’ve come a long way my love…”
Binanggit rin ni Juday ang effort at dedication na anak na pagbutihin ang kanyang sports. Pero sa kabila nito nanatili pa ring malambing si Lucho sa kanila ng Dada nyang si Ryan at sa mga kapatid nitong si Luna at Yohan na palaging may halik sa noo sa tuwing matatapos ang kanyang game.
Ibinahagi rin ni Juday ang pagluluto nya ng adobo at salpicao anak, pati kanin na hindi nya pagsasawaang gawin.
Ibinida rin niya ang paglalaba mismo ng team uniform ng anak sa bawat tournament nito.
“I will do so with a very happy happy heart. You will always be mama’s favorite son.”
“I love you to the moon and back a thousand times and beyond.”
Siyempre, present rin si Ryan sa kumpetisyon na super proud Dada kay Lucho.

Share.