Tiniyak ng kampo ni resigned Ateneo Coach Tab Baldwin na makikipagtulungan ito sa imbestigasyon kaugnay ng pagkasawi nina Ateneo Blue Eagles basketball team Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sinabi ni Atty. Daniel Darvin, legal counsel ni Baldwin, bahagi ng kanilang pagdalo sa hearing ng National Bureau of Investigation (NBI) ay para magbigay-linaw tungkol sa nangyaring trahedya sa Dipaculao, Aurora noong June 8.
Aniya, buo ang kanilang kooperasyon sa pagsisiyasat habang gumulong ang imbestigasyon sa insidente.
Nagbigay din ng simpatya ang kampo ni Baldwin sa mga naulilang pamilya ng mga manlalaro pero tikom naman ang bibig kung aakuin ba niya ang responsibilidad sa trahedya at kung isa itong kaso ng homicide o hazing.
Noong Martes, limang abogado ang kasama ng dating Ateneo coach nang humarap sa NBI.
Trending
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
- Ivana, binarag sa pamimigay
- Yasmin Alba, dedma sa indecent proposal!
- Mga kaganapan bago ang Bea-Vincent wedding, inalala
