Walang balak magpakasal sa ngayon sina Kobe Paras at Andre Paras—ayon mismo sa kanilang amang si Benjie Paras.
Sa kanyang paglabas sa “Men’s Room,” ibinahagi ni Benjie na tila naapektuhan ang pananaw ng kanyang mga anak pagdating sa marriage dahil sa pinagdaanan ng kanilang pamilya noon.
“Yung mga anak ko… parang ‘yung marriage para sa kanila… na-trauma sila because of my past experiences,” saad niya.
Matatandaang hindi agad nakasama nina Kobe at Andre ang kanilang ina na si Jackie Forster noong bata pa sila, kaya mas naging komplikado ang kanilang family dynamics habang lumalaki.
Ayon kay Benjie, patuloy niyang pinapaalalahanan ang kanyang mga anak na hindi lahat ng relasyon ay mauuwi sa parehong sitwasyon.
Gayunpaman, iginagalang niya ang kanilang desisyon.
“Kung happy sila, sabi ko go ahead,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, may kanya-kanya nang buhay ang magkapatid—may long-term non-showbiz girlfriend si Andre, habang si Kobe naman ay nali-link kay Elisse Joson, kahit wala pang kumpirmasyon tungkol dito.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
