Muling lumipad ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao pa California, USA–this time para sa kasal ng panganay nilang anak na si Jimuel.
Jimuel is marrying the mom of their child Carolina Pimentel.
Kasamang bumiyahe ng Pacquiao couple si Mommy Dionisia.
Join din ang twin sister ni Jinkee na si Janet at iba pang mga miyembro ng pamilya.
Sa kanyang Instagram Story, ibinalita ni Jinkee ang maayos nilang pagdating sa US.
Mapapanood din ang video ng muling pagkikita ng mag-apo.
It’s been five years nga naman noong huling magkita sina Mommy D at Jimuel.
Bukod dito’y nag-share din si Jinkee ng photo ng youngest child nilang si Israel at apo na si Clara.
Unang beses daw kasing nakita ni Israel si Clara, Jimuel’s child with Carolina.
Aside from the Pacquiao family, nasa IG post din ni Jinkee ang ilang relatives ni Carolina.
When such two big families converge, asahan na ang malaking ganap ang mangyayarı sa US.
Puring-puri naman ng netizens si Carolina na swak daw ang ugali sa mabait na si Jimuel.
======
Trending
- Lolang magre-relax sa mall, kulong sa bomb joke
- SUV driver sa SLEX hit-and-run sumuko na – HPG
- 2 minor nasagip sa online sexual exploitation ng ina
- 12K personnel ipinakalat sa Metro Manila para sa Araw ng Kalayaan – PNP
- PNP, NBI, CIDG pasok na imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo cager
- P86.7m inabandonang pulang sibuyas nasamsam sa MICP
- 45 na nasawi sa lindol sa Mindanao
- 2 DPWH opisyal sangkot sa maanomalyang flood control project, tukoy na kinaroroonan

