Very talented talaga si dating ‘Pinoy Big Brother: Gen 11’ housemate na si Jarren Garcia, na kahit hindi mo nga siya bigyan ng ka-love team, umaangat talaga siya, dahil sa kanyang talent.
Yes, heto nga ang may bago na namang feel-good anthem si Jarren, ang ‘GOTCHU’, na isinulat ni Trisha Denise at prodyus ni Roque ‘Rox’ Santos.
Umiikot nga ang kuwento nito sa pagdamay sa taong iniibig ano man ang hamon na dumating sa buhay.
Last year ay inilunsad ni Jarren ang self-titled debut extended play (EP) na umami ng mahigit 3.4 million stream sa Spotify. Tampok sa EP ang mga awitin na ‘Gimme, Gimme, Gimme’ at ‘Make It Make Sense’.
Nagpasiklab din siya sa naganap na sold-out at jam packed ‘That Boy, Jarren Album Launch and Fan Meet’ sa SM North Edsa Skydome.
At kasalukuyan naman siyang napapanood bilang isa sa new gen VJs ng MYX.
Oh, di ba? Kahit walang ka-love team, nananatiling bongga ang career ni Jarren, dahil sa husay niyang kumanta, mag-perform.
Aba, hindi niya kailangan ang babaeng ka-tandem, para sumikat, ha!
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

