DADALHIN ni Jaja Santiago ang kanyang talento sa Estados Unidos.
Si Santiago, na ang Japanese na pangalan ay Sachi Minowa, ay lumagda sa League One Volleyball (LOVB) sa Amerika, ayon sa anunsyo ng liga Huwebes.
Ang 30-taong-gulang na middle blocker ay huling naglaro sa Pilipinas noong 2021, nang pangunahan niya ang Chery Tiggo para sa titulo.
Pero nakapaglaro na rin siya sa Japan, para sa Saitama Ageo Medics at Osaka Marvelous, bago siya nag-suit up para sa Denso Airybees sa season na 2025-26.
At ngayon, dadalhin niya ang kanyang karanasan sa Amerika.
“It’s finally out, and I’m beyond excited to announce that I’m joining LOVB!” Paskil ni Santiago sa kanyang Instagram.
“Grateful for the privilege and can’t wait to evolve alongside world-class players. See you in the US!”
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
