Tiniyak ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., na magsasagawa ang pulisya ng masusing imbestigasyon sa nasabing road accident na ikinasawi ng limang Persons Under Police Custody (PUPC) sa Quezon City.
Ito ay para malaman ang tunay na pangyayari, suriin ang operational procedures at ang posibleng lapses sa panig ng mga pulis.
Nabatid na lulan ng nasabing naaksidenteng sasakyan ang 6 na PUPCs at 4 na PNP personnel na patungo sana ng Payatas City Jail.
Sa kasamang palad lima sa PUPCs ang nasawi, habang ang isa pa ay dinala sa ospital at ang apat naman na pulis ay nagtamo naman ng mga sugat.
Samantala, tiniyak rin ng Quezon City government na sasagutin nila ang mga kaukulang gastusin sa pagpapagamot, gayundin ang funeral at burial services para sa mga nasawi.
Maglalaan din ang nasabing lungsod ng psychosocial support at counselling sa mga pamilya ng nasawi upang makatulong sa kanilang pagbangon sa gitna ng nasabing trahedya.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Philippine National Police at Quezon City government sa mga pamilya ng mga nasawing PUPCs.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

