Iginiit ng Partido Manggagawa (PM) na hindi luho ang hinihingi nilang P200 na dagdag na arawang sahod mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Nauna nang nanawagan ang PM sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board na agarang aksyunan ito sa harap ng tumitinding krisis sa kabuhayan.
Kasabay nito, nanawagan rin ito ng isinagawang public consultation ng NCR Regional Wage Board kaugnay ng mga petisyon sa dagdag-sahod.
Ayon sa PM, lubhang kinakailangang ang P200 upang maibalik ang nawalang halaga ng sahod dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, kuryente, at pamasahe bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Dagdag ng PM, ang kasalukuyang minimum wage na P695 sa NCR ay hindi na sapat upang tugunan ang araw-araw na gastusin ng isang pamilyang manggagawa.
Batay sa consumer price index (CPI) ng NCR na nasa 131.2 noong Abril, bumagsak na sa humigit-kumulang P530 ang tunay na halaga ng minimum wage, katumbas ng mahigit P165 wage loss kada araw.
Dagdag pa rito, tinatayang mahigit P1,200 kada araw ang kinakailangan ng isang pamilyang may limang miyembro upang mabuhay nang disente sa NCR.
Binigyang-diin din ng Partido Manggagawa na ang pagtaas ng sahod ay hindi lamang usapin ng social justice kundi isang makatuwirang patakarang pang-ekonomiya.

Share.
Exit mobile version