Permanenteng binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng driver ng sports utility vehicle (SUV) na sangkot sa hit-and-run incident sa Ortigas Avenue sa Mandaluyong City.
Ayon sa LTO nitong Martes, isinagawa ang hakbang matapos mapatunayang may pananagutan ang drayber sa paglabag na reckless driving sa naging pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID).
Bukod dito, idineklara rin siyang improper person to operate a motor behicle, na nagsilbing batayan sa permanenteng pagbawi ng kanyang driver’s license o habambuhay na pagbabawal sa kanya na makakuha ng lisensya.
Nauna nang inisyuhan ng show cause order ang naturang drayber kaugnay ng insidente na nangyari noong Hulyo 10, kung saan isang babaeng angkas sa motorsiklo ang nasawi.
Matatandaang napansin din ng LTO na ang SUV ay may sticker ng House of Representatives (HOR) na nakatakip sa conduction sticker nito, habang natatakpan naman ng diyaryo ang plaka ng sasakyan noong mangyari ang insidente.
Ayon pa sa ahensya, mananatili ring nasa alarm status ang naturang sasakyan alinsunod sa inilabas nitong resolusyon.
=====
Trending
- Gr. 8 honor stude, buking na utak sa online threats sa N. Ecija school
- Higit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila
- PNP: SONA 2026, mapayapa at maayos; 51 isinelda
- Driver sa hit-and-run, lifetime ban sa lisensya
- Transwoman pageant queen patay sa pukpok sa ulo
- Titser, pinagsusuntok ng 2 estudyante
- 13 katao huli sa paihi, pasingaw sa Lucena City
- Jojo Ang nagpiyansa ng P90k
