‘graft’ sa Sandigan

Kinumpirma ng Sandiganbayan Third Division na naghain na ng P90,000 piyansa si Uswag Ilonggo party-list Rep. Jojo Ang kaugnay ng kinahaharap na kasong graft.

Kinumpirma ng korte na personal na nagtungo si Ang sa clerk of court office upang magbayad ng piyansa nitong Lunes, Hulyo 27.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa sinasabing conflict of interest ng kongresista sa ilang proyektong pang-imprastraktura.

Matatandaang naghain ang Office of the Ombudsman ng 14 na bilang ng graft laban kay Ang dahil sa umano’y koneksyon nito sa isang construction firm na nakakuha ng mga kontrata sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P214 milyon. 

Share.
Exit mobile version