Tapat na inamin ni Gerald Anderson na inuuna niya ngayon ang sarili matapos ang kanyang breakup kay Julia Barretto.
Ayon sa aktor, wala muna siyang plano para sa panibagong relasyon.
Sa guesting niya sa TV show na “Stars on Stars,” sinabi ng aktor na kasabay ng pagiging single niya ay ang pagbuo rin ng mas maayos na bersyon ng kanyang sarili.
“Plan on focusing on myself? Yeah. That’s all I’ve been doing,” ani Gerald.
Pagpapatuloy niya, “’Yun lang naman ‘yung dahilan kung bakit din ako single. That’s the only reason I’m single now because you know I want to become a better partner, a better person, a better son, a better brother, a better provider. Magagawa ko ‘yan if I focus on myself muna.”
Dagdag pa niya, mahalaga ang pagtuon sa self-improvement dahil dito niya nakikita ang paraan para maging handa sa hinaharap.
“I’m building the life I want in five years. I want to be that kind of person –– I want to be the best version… I have to start now so focus muna ako sa sarili ko,” aniya.
Bukod sa personal growth, abala rin siya ngayon sa negosyo, production, at pagiging direktor habang hindi muna aktibo sa love life.
Si Julia Barretto ang huling naging nobya ni Gerald sa loob ng anim na taon, bago kinumpirma ng kanilang kampo ang kanilang hiwalayan noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mutual decision.
Trending
- Michelle, nawiwindang sa Ms U!
- Pagpapalabas ng ‘Love, NGO,’ pinayagan na ng MTRCB
- Regine, sumailalim sa voice treatment
- Cargo firm kinasuhan sa 36K inabandonang balikbayan box
- Gawad Kalinga founder Tony Meloto inaresto sa Bulacan
- SPED program ng DepEd hihimayin sa Kamara
- NBI pinag-aaralan pag-subpoena sa misis ni Bato
- Pamilya ng missing sabungeros, nagsampa ng obstruction of justice vs abogado ni Atong Ang
