Ikinabaliw ni Fyang Smith ang eksena sa MOA Arena.
Bakit?
Paano ba naman kasi, ‘di hamak na mas marami ang nagtsi-cheer sa bàsketball team mula sa Thailand kumpara sa koponan natin!
Sey ni Fyang: “Grabe kayo! Hindi n’yo man lang tsini-cheer ‘yung bansa natin!”
Bale ba, naibulalas niya ito on mic para batiin ang mga manonood.
Ayon sa obserbasyon, mas marami nga ang nagru-root para sa GMMTV team ng Thailand kesa sa Star Magic Shooting Stars led by its coach Gerald Anderson.
Buti na lang, wagi ang Star Magic sa score na 83-53.
Worried naman si Fyang sa ka-loveteam na si JM Ibarra dahil namamaga ang paa nito, pero naglaro pa din.
Saan ba talaga mas worried si Fyang–sa paa ni JM o sa kawalan ng mga nag-cheer sa team nito?
===

Share.
Exit mobile version