Pasok na sa Round of 16 ang pambansang koponan ng France sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2026 matapos nilang tambakan ang Sweden, 3-0, sa Round of 32 sa New Jersey Stadium.Balita
Dominado ng Les Bleus ang laban mula pa sa unang kalahati, kung saan binasag ni Kylian Mbappé ang deadlock sa ika-45 minuto sa pamamagitan ng mabilis na sipa mula sa kaliwang bahagi ng penalty area.
Sa ikalawang kalahati, lalo pang nabaon ang Sweden nang maipasok ni Bradley Barcola ang bola sa ika-52 minuto sa tulong ng assist ni Michael Olise.
Sinelyuhan ng France ang panalo sa ika-74 minuto nang muling makapuntos si Mbappé mula sa pasa ni Olise, upang makumpleto ang kanyang brace.
Dahil dito, umakyat na si Mbappé sa ikalawang puwesto sa all-time leading scorers ng FIFA World Cup na may kabuuang 18 goals, isang puntos na lamang ang agwat kay Lionel Messi.
Bukod pa rito, hawak na rin niya ang bagong rekord para sa pinakamaraming knockout-stage goals sa kasaysayan ng torneo na may sampu.
Sunod na makakaharap ng France ang koponan ng Paraguay sa darating na Hulyo 4 para sa Round of 16.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

