Pinangunahan nina Joel Embiid at Tyrese Maxey ang Philadelphia 76ers sa 109-100 panalo kontra Boston Celtics para tuluyang ma-eliminate ang No. 2 seed sa NBA playoffs, Sabado (Linggo sa Pilipinas).
Umiskor si Embiid ng 34 puntos at 12 rebounds habang nagdagdag si Maxey ng 30 puntos, kabilang ang 10 sa fourth quarter, upang tulungan ang 76ers na baliktarin ang 3-1 series deficit at makapasok sa Eastern Conference semifinals kontra New York Knicks.
Sa kabila ng paghabol ng Celtics, hindi nila napigilan ang solidong laro ng Philadelphia lalo na sa huling bahagi ng laban.
Nagpakitang-gilas din sina Jaylen Brown na may 34 puntos at Derrick White na may 26, pero hindi sapat dahil nahirapan ang Boston sa three-point shooting (13-of-49).
Ito rin ang unang pagkakataon na nagwagi ang 76ers sa isang serye matapos ibaon sa 3-1 ng kalaban, at unang playoff series win kontra Celtics matapos ang ilang pagkatalo sa mga nakaraang taon.
Sa pagkatalo, tuluyan nang natapos ang kampanya ng Celtics sa playoffs.

Share.
Exit mobile version