Lalong pinaiinit ng BINI ang global music scene matapos umabot sa 61.6 billion ang views ng grupo sa TikTok.
Habang tuloy-tuloy ang kanilang “Signals” world tour sa North America at Canada, hindi naman nagpapahinga ang numbers ng Nation’s Girl Group sa digital platforms.
Dahil dito, todo-flex ang Blooms sa panibagong record ng kanilang mga idolo.
Malakas din ang hatak ng kanilang music sa Spotify kung saan nakapag-ipon na ang grupo ng 1.3 billion streams.
Hindi rin nagpapahuli ang kanilang YouTube performance na patuloy ding dinadagdagan ng bilyon-bilyong views.
Kapansin-pansin din ang individual achievements ng walong miyembro sa TikTok.
Nangunguna si Mikha na may 14.3B views, habang kasunod sina Aiah na may 8.8B at Maloi na may 7.4B.
May 6.7B naman si Colet, habang lagpas 6B ang naitala nina Stacey, Sheena at Gwen.
Umabot naman sa 5.9B ang views ni Jhoanna.
Dahil dito, lahat ng miyembro ng BINI ay kabilang sa Top 20 most-viewed OPM artists sa TikTok, bagay na lalo pang ipinagmamalaki ng kanilang fanbase.
