Umatras ang Ateneo de Manila University sa pagpapatuloy ng kanilang laban sa 19th Filoil EcoOil Preseason Cup.
Sa opisyal na pahayag nitong Linggo, kinumpirma ng Executive Committee ng liga na inaprubahan nila ang kahilingan ng unibersidad pagkatapos ng mga serye ng diskusyon kasama ang athletic director ng Ateneo na si Emmanuel Fernandez.
Ayon sa pamunuan, minabuti nilang aprubahan ang pag-withdraw ng koponan bilang pakikiramay at “out of compassion” kasunod ng insidente ng pagkalunod ng dalawang player nito.
Nagpaabot din ng taos-pusong pakikiramay ang buong liga para sa pamilya nina Divine Adili at Rene Baterbonia, at sa buong komunidad ng Ateneo sa gitna ng pagsubok na ito.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

