Nagbitiw sa kanyang posisyon bilang spokesperson ng Bureau of Immigration (BI) si Dana Sandoval upang gampanan ang isang bagong tungkulin sa labas ng ahensiya.
Ayon sa ulat ng Politiko, kinumpirma mismo ni Sandoval ang kanyang pag-alis sa naturang posisyon ngunit hindi pa niya ibinunyag kung ano ang kanyang magiging bagong katungkulan.
“I am stepping down from my position as BI Spox as I am taking a new role outside the Bureau,” pahayag ni Sandoval.
Samantala, inanunsiyo rin niya ang mga bagong hahawak sa communications team ng BI.
Aniya, itinalaga si Atty. Anisha Hassan bilang bagong BI spokesperson habang si Melvin Mabulac naman ang magsisilbing deputy spokesperson.====
Trending
- Ateneo, hopya na walang manggulo sa mga laro nila sa UAAP
- PH boxers tuldukan ang 16-tagtuyot ng medalya sa Asian Games
- Alex, ipinasilip na ang newborn baby!
- Kim, 3 buwan na raw buntis!
- Bimby, tinanggal sa EB?
- Gasoline boy patay sa pamamaril
- 16 pulis sugatan sa tensyon sa BGC rally
- Hakbang para sa epekto ng El Nino, climate change paiigtingin
