Wagi si Angelica Panganiban sa ContentAsia Awards 2026 na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes (Agosto 27).
Ang bongga nga ni Angelica na nasungkit niya ang Bronze for Best Female Lead in a TV Programme/Series Made in Asia para sa pagganap niya bilang Jackie Carpio sa ABS-CBN Studios mystery-thriller series na ‘The Silent Noise’.
Tampok sa 10-episode series ang isang pamilyang nabalot ng misteryo matapos ang pagkamatay ng guro ng kanilang deaf na anak.
At siyempre, wagi rin ng Silver for Best Feature Film or Telemovie Made in Asia ang ‘Call Me Mother’ na bida sina Vice Ganda, Nadine Lustre.
Umiikot ang pelikula sa kuwento ng isang foster mother na gustong legal na ampunin ang batang kanyang pinalaki, habang muling bumalik sa buhay nito ang biological mother nito.
Hindi rin nagpakabog ang Philippine adaptation ng Korean hit na ‘It’s Okay to Not Be Okay’ na pinagbibidahan naman nina Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino, dahil nakuha rin nila ang Silver for Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia.
Tampok dito ang tatlong karakter na may kanya-kanyang pinagdadaanan at sugat mula sa nakaraan habang natututo silang magmahal, maghilom, at tanggapin ang isa’t isa.
Bongga nga ito dahil mahigit 500 entries mula sa Asia ang isinumite sa ContentAsia Awards ngayong taon, habang mahigit 180 programa ang nominado sa 35 categories.
Inilunsad noong 2020, kinikilala ng ContentAsia Awards ang mahuhusay na programa at talento sa Asia at pinipili ang mga nagwagi ng industry professionals na may karanasan sa creative at production process.
