Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa 2026 Italian Open matapos silang mabigo ng kanyang partner na si Hailey Baptiste sa doubles competition.
Nalasap ni Eala at American partner ang 6-2, 6-1 na pagkatalo nitong Martes laban sa second-seeded tandem na sina Taylor Townsend at Kateřina Siniaková sa Round of 32 ng torneo.
Samantala, unang natapos ang singles campaign ni Eala noong Linggo matapos siyang yumuko kay Elena Rybakina sa straight sets, 6-4, 6-3, sa third round.
Sa kabila ng maagang pag-exit, naging kapansin-pansin pa rin ang kampanya ni Eala matapos niyang mapatalsik si Magdalena Fręch ng Poland at World No. 33 na si Wang Xinyu ng China.
Nakatakda namang sumabak si Eala sa 2026 French Open na magsisimula sa huling bahagi ng buwang ito.
Trending
- DA at DPWH, pinagtibay ang P71.5M kasunduan
- Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang
- 86,614 tawag natanggap sa 911; 96% nirespondehan sa 5 minuto
- Bagyong Queenie manalasa sa bansa
- Piso mas lalo pang lumagapak kontra dolyar
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray

