Pinuri ni House Speaker Faustino Dy III ang magandang performance ni Pinay tennis star Alex Eala sa Wimbledon na naging instrumento umano ng pagmamalaki ng bansa at inspirasyon ng maraming kabataang Pilipino na mangarap.
“Congratulations, Alex! Once again, you have made your kababayan proud. Sa bawat panalo mo, ipinapakita mo sa buong mundo ang husay, tapang, at determinasyon ng Pilipino,” sabi ni Dy.
“You are not only winning matches—you are winning hearts around the world and inspiring countless young Filipinos to dream big and believe in what they can achieve,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Dy na si Eala ay nagsisilbing simbolo ng pagpupunyagi at kahusayan sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.
“Laban lang, Alex! Kasama mo ang sambayanang Pilipino sa bawat hakbang ng makasaysayang kampanyang ito. Nandito kaming lahat, buong pusong sumusuporta sa’yo,” sabi ng lider ng Kamara.
Tinalo ni Eala ang defending champion na si Iga Swiatek sa third round ng 2026 Wimbledon Championships noong Sabado.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

