Kaloka rin ang ilang netizens dahil pati ang bansag kay Jerald Napoles na “The New Pogi” ay ginagawang isyu online.
Ang naturang titulo ay ibinigay mismo ng Viva Entertainment kaugnay ng promosyon ng pelikula niyang “Love, Ngo.”
Kung si Jerald ang masusunod, hindi naman daw niya masyadong pinapansin ang naturang bansag.
Gayunman, dahil sa madalas itong mabanggit sa mga interview at promotional activities, hindi rin niya maiwasang matanong tungkol dito.
Sa kabila ng mga intriga, marami namang tagasuporta ng aktor ang nagsasabing bagay sa kanya ang titulo.
Para sa kanila, hindi lang pisikal na anyo ang sukatan ng pagiging pogi.
Ayon sa ilang fans, mas nakadaragdag sa appeal ni Jerald ang pagiging mabait, magaan kasama, at maayos makitungo sa kapwa.
May iba rin namang nagsasabing lalong lumalabas ang kanyang charm kapag umaarte siya, lalo na sa mga comedy role na nagbibigay saya sa mga manonood.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

