Naniniwala ang mga netizen na tila sinaniban ng “supernatural playoff boost” ang San Antonio Spurs matapos ang dominasyon nila laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 4, kung saan naitabla nila ang serye sa 2-2 at nakaabante pa sa 2026 NBA Finals.
Ayon sa Instagram post ng Sports Culture, nagsimula ang usap-usapan nang makailang beses itutok ang camera sa mga madre na nakaupo malapit sa koponan bago magsimula ang laro sa Game 4.
Sa pagtunog pa lang ng buzzer, tila “na-possess” na umano sa matinding laro ang buong koponan ng Spurs.
Hindi magkamayaw ang fans online sa pagbibiro na tila binasbasan ng mga madre ang bawat tira at galaw ng San Antonio para makuha ang 103-82 na panalo.
Ang pambato nilang si Victor Wembanyama ay naglaro na parang nagkaroon ng “unlimited VC” (unlimited virtual currency) overnight sa sobrang lupit ng ipinakita nitong performance.
Habang sumisigaw si Wemby matapos ang kanyang dambuhalang plays, nagmistulang lumilipad naman sa bawat sulok ng court ang depensa ng Spurs.
Dahil dito, ganap na nawala sa hulog ang opensa ng Oklahoma na tila hindi alam ang gagawin sa loob ng court.
Naging tampok na katatawanan sa social media na bawat tres ng Spurs at bawat block ni Wemby ay may kalakip na “basbas” habang ang mga mintis na tira ng OKC ay tila gawa na rin ng milagro dahil hindi talaga maka-shoot ang Thunder sa buong gabi.
Maging ang pambato ng Thunder na si Shai Gilgeous-Alexander ay nalimitahan kumpara sa mga nakaraang laro nito.
Ang buong laro ay nagmukhang isang dambuhalang “power of prayer” meme. Gulat na gulat at tila na-shock ang buong koponan ng OKC sa biglaang pagbaligtad ng momentum ng serye pabor sa San Antonio.
Dahil sa kakaibang suwerteng dala ng mga ito, hiling ng fans ng Spurs na bigyan ng permanenteng courtside seats ang mga madre dahil simula raw nang magpakita ang mga ito, nag-iba at naging nagbabaga ang enerhiya ng buong koponan.
Naitakda na ang tapatang New York Knicks at San Antonio Spurs sa inaabangang 2026 NBA Finals nang tapusin ng huli ang paghahari ng Oklahoma City Thunder sa mismong bakuran nito, 111-103, sa Game 7 ng Western Conference Finals nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas)
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

