Natabunan ng landslide, kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran ang apat na mga bahay sa gilid ng Davao-Bukidnon Highway sa Marahan sa Barangay Marilog sa Marilog District nitong  Biyernes ng gabi, July 17.
Pansamantalang natigil ang daloy ng traffic sa bahagi ng highway na nabitak dahil sa paglambot ng lupa sa ilalim nito kaya dumausdos pababa sa kinaroroonan ng mga bahay na nasira.
Sa ulat ni Barangay Marilog Chairwoman Jeanette Suam, apat na bahay ang na-damage ng landslide at kanila pang inaalaam kung may nasaktan o missing sa mga nakatira sa mga ito.
May mga emergency responders at mga pulis na sa naturang lugar, nagsasagawa ng disaster impact mitigation operations.

Share.