Pumanaw na ang South African midfielder na si Jayden Adams sa edad na 25.
Si Adams ay nakasama sa tatlong South African group games sa FIFA World Cup.
Umabot pa sila sa knockout stage bago nabigo sa co-host na Canada sa round of 32.
Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng 25-anyos na footballer.
Dahil dito ay naglunsad ng imbestigasyon ang mga kapulisan ng South Africa.
Nakita kasi ang bangkay ni Adams sa Schotschekloof, Cape Town nitong Sabado ng umaga.
Sinabi naman ni Gayton McKenzie ang minister of sports ,arts and culture ng South Africa na labis silang nabigla at nalungkot sa nasabing pangyayari.
Umaasa ito na agad na matukoy ng mga otoridad ang pinakasanhi ng kamatayan ng batang football player.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

