Binigyang-diin ni Senador JV Ejercito nitong Sabado na dapat atleta ang mamuno sa mga sports association sa bansa sa halip na politiko.
Nabanggit ito ni Ejercito sa programa sa radyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla matapos mapag-usapan ang laro ni Pinay tennis ace Alex Eala sa 2026 Wimbledon Open.
Ayon kay Ejercito, malaki ang epekto ni Eala sa international tournaments dahil sa dami ng mga tagasuportang naaakit niya at siglang naidudulot sa venue.
“Nagulat nga si Alex, sabi nga niya nung after nung game niya, nagulat siya dahil nga hirap kumuha do’n (ticket) pero ang dami raw Pinoy na nakapanood,” ani Ejercito.
Nabanggit din sa talakayan ang golfer na si Yuka Saso, na dating naglaro para sa Pilipinas at nagwagi sa US Open, gayundin si Filipino-American chess grandmaster Wesley So na ngayo’y kumakatawan sa Estados Unidos dahil umano sa kakulangan ng suporta.
“Nag-champion ng US Open si Yuka Saso dala pa niya ‘yung bandera ng Pilipinas… nung pinili niya naman na mag-Japanese passport na at bawal na siyang mag-ano ng Pilipinas, nawala ang following niya. Nagbago rin ang career niya,” ani Remulla.
“Nakakalungkot ‘no… siguro kailangan maayos dito ‘yung sports associations… pinapasok ng mga politiko,” ani Ejercito. “Sana laging athletes mismo ang mag-head, hindi politiko.”
Giit naman ni Remulla, mahalagang paigtingin ang sports development mula grassroots level upang mas mapalawak ang suporta sa mga atletang Pilipino.
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

