Ikinalungkot ng fans na si Emma Raducanu ng United Kingdom ay hindi na makakalaro sa Wimbledon ngayong taon matapos kumpirmahin na siya ay may stress fracture sa ibabang bahagi ng kanang binti.Balita sa radyo
Ang 23-anyos na manlalaro, na nakatakdang harapin si Antonia Ruzic ng Croatia sa unang round, ay seeded 30 sa torneo.
Ayon kay Raducanu, ginawa niya ang lahat upang makapagsimula ngunit ang iniinda niyang “niggle” ay lumala matapos ang huling medical scan.
Pinayuhan siya ng mga doktor na huwag nang ipagpatuloy ang paglalaro upang maiwasan ang mas matinding pinsala.
Si Raducanu, na tinaguriang British number one at kampeon ng US Open noong 2021, ay inaasahang magpapahinga at magpapagaling bago muling bumalik sa kompetisyon.
=====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

