Nagbunga ang ilang dekadang panonood ng NBA ng isang 39-anyos na salesman mula sa Banawe, Quezon City matapos siyang tanghalin na isa sa mapapalad na nagwagi ng P5,000,000 sa “NBA Playoffs MVP: Battle for the Most Valuable Predictor” campaign ng ArenaPlus.
Panahon pa raw ng Chicago Bulls dynasty noong 1990s, masugid nang tagahanga ng NBA ang naturang salesman.
Ang kanyang suwerte ay nagmula sa masusing pagtatasa ng takbo ng 2026 NBA Playoffs mula sa unang round hanggang sa NBA Finals.
Ang free-to-play prediction contest na inilunsad ng ArenaPlus noong Marso ay nagbigay ng dalawang entry sa bawat kalahok upang hulaan ang mananalong koponan sa 15 NBA Playoffs matchups gamit ang tournament bracket.
Isang kalahok na may pinakamataas na bilang ng mga tamang hula ang nakakuha ng garantisadong P100 milyong MVP Bracket prize.
Ang mga kalahok naman na may susunod na pinakamataas na bilang ng mga tamang pagpili ay naghati sa P50 milyong Shared Prize Pool.
Isa sa kanila ang salesman na nag-uwi ng P5 milyon pagkatapos ng maraming taon ng pagsubaybay sa NBA.
Pormal siyang kinilala sa All in sa Arena, ang orihinal na palabas ng ArenaPlus sa Facebook at YouTube, kasunod ng 94-90 na tagumpay ng New York Knicks laban sa San Antonio Spurs sa Game 5 ng 2026 NBA Finals noong Linggo, Hunyo 14.
Ayon sa naturang salesman, nagsimula ang pagmamahal niya sa NBA sa panahon ng Bulls bago siya lumipat sa Boston Celtics nang mabuo nina Kevin Garnett, Ray Allen at Paul Pierce ang sikat na “Big Three” ng Boston.
Gayunpaman, ngayong season, sinuportahan niya ang Knicks.
Dahil sa maraming taon nang panonood ng laro, maingat niyang pinag-aralan ang mga laban sa playoffs bago gumawa ng kanyang mga pagpili.
Isa sa kanyang entry ay nahulaan ang paghaharap sa Finals ng Spurs at Cleveland Cavaliers.
“‘Yung una kasi binase ko talaga sa chances nila manalo. Kasi ‘di ba, ang lakas ng Cleveland Cavaliers. Sila lang tanging nakapanalo sa Detroit Pistons. Sila naglalaban sa 1st at 2nd seeding sa regular season standings at one point,” aniya.
“Tiningnan ko ‘yung Playoff experience tsaka match up nila dahil may James Harden at Donovan Mitchell na may experience na sa Playoffs. Tapos kumpleto pa, walang injury ‘yung lineup,” dagdag pa niya.
Tumumpak din ang hula niya sa ikalawang entry na ilalampaso ng Knicks ang Spurs sa NBA Finals.
“Sa Knicks kasi, binase ko kay Jalen Brunson. Iba ‘yung nilaro ni Brunson. Kaya sabi ko, baka lumusot ‘tong Knicks dahil iba nilalaro ni Brunson,” paliwanag niya.
“Nadagdag lang naman sa kanila si Jordan Clarkson na may Playoff experience din. Kumpleto sila, tapos walang injury. Sabi ko ‘pag naglaban sila ng Cleveland, baka makalusot,” patuloy pa niya.
Binati ni Erick Su, ang head ng ArenaPlus, ang lahat ng mga nagwagi at sinabing patunay ito na hindi lang basta mahilig ang mga Pilipino sa basketball kundi may malalim na pagkaunawa rito.
“The winners were able to make the right calls because they followed the season closely, studied the matchups, and trusted their instincts. That’s what the NBA Playoffs MVP: Battle for the Most Valuable Predictor campaign was all about,” saad niya.
Ipinakilala nito ang BingoPlus at ArenaPlus, na kilala naman sa kanilang nakakaengganyong interactive gaming and sports entertainment experiences.
Samantala, ang ArenaPlus ay ang nangungunang online sportsbook sa Pilipinas na lisensiyado ng PAGCOR.
Nagbibigay ito ng ligtas at nakakaengganyong karanasan sa pagtaya at streaming experience.
Inilunsad noong 2023, ang ArenaPlus ay nagtatampok ng malawak na hanay ng local at international sports.

Share.