Nauwi sa matinding tensyon ang Game 5 ng Greek League Finals nitong Sabado matapos makatanggap ng suntok ang dating Miami Heat guard at dating teammate ni Dwyane Wade na si Kendrick Nunn.
Sa third quarter ng laban ng Panathinaikos at Olympiacos, nakakuha ng ikaapat na foul si Nunn at nagreklamo matapos tawagin ang foul dahil sa umano’y flopping.
Agad na dinepensahan ng Olympiacos player na si Tyrique Jones ang kanyang teammate, na nauwi sa pisikal na komprontasyon.
Makikita sa kumakalat na video sa social media ang pagsuntok kay Nunn, na agad namang inawat ng mga staff.
Dahil dito, parehong pinatalsik sa laro ang dalawang manlalaro habang dikit ang laban.
Sa huli, nanalo ang Olympiacos, 89-85, at nasungkit ang kanilang ika-16 na Greek League championship.
Trending
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup

