Nananatiling positibo si ArenaPlus ambassador Kenneth Llover matapos ang unang pagkatalo sa kanyang professional boxing career kasunod ng kabiguan kontra kay Michael Angeletti sa kanilang International Boxing Federation (IBF) bantamweight title eliminator sa Nagoya, Japan.
Sa kabila ng split-decision loss noong Hunyo 6 sa Aichi Sky Expo sa Tokoname, sinabi ni Llover na bahagi lamang ng journey ng isang kampeon ang pagdanas ng pagkatalo.
“Sa’kin naman po, ‘yung pagkatalo is part ng boxing ‘yan. Kumbaga ‘yung pagkatalo natural ‘yan sa champion, natural na pagdadaanan ‘yang mga bagay. Diyan ka magiging matibay,” ani ng 24-anyos na boksingero.
Dalawang hurado ang pumabor kay Angeletti sa iskor na 116-111 at 115-112, habang isang judge naman ang nagbigay ng 115-112 pabor kay Llover.
Natapos naman ang dating perpektong kartada ni Llover na 17-0, ngunit iginiit niyang hindi ito dahilan upang panghinaan siya ng loob.
“Hindi naman lahat pagdadaanan kailangan tagumpay. Darating sa point ng buhay mo na mararanasan mong matalo. Pero di naman dahil doon, na matatalo ka, doon mo na ititigil ‘yung career mo. Tuloy lang,” dagdag niya.
Sa kabila nito, nananatili naman ang suporta ng ArenaPlus kay Kenneth Llover at pinuri din nito ang ipinakitang tibay at determinasyon ni Llover sa laban.
Ayon kay ArenaPlus head Erick Su, bahagi lamang ng pag-unlad ng isang atleta ang pagharap sa mga pagsubok.
“Kenneth’s journey is only beginning. Every great boxer faces adversity at some point in his career, and this experience will only help him grow,” aniya.
“We are proud of the way he carried himself inside and outside the ring. We have no doubt he will learn from this fight and come back even stronger,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Llover sa ArenaPlus at sa mga Pilipinong sumusuporta sa kanya at nangakong mas pagbubutihin pa ang kanyang pagsasanay.
“Sa mga kababayan namin sa Pilipinas at sa ArenaPlus family, maraming, maraming salamat sa inyo, sa patuloy na suporta,” ani Llover. “Hindi lang hanggang dito boxing career natin. Mas pag-iigihan pa natin. Laban lang, Pilipinas.
=====

Share.