Bunga ng pinaigting ng kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga dilapidated o bulok at dugyot na pampublikong sasakyan, umabot na sa 226 sasakyan ang nahuling yunit sa loob ng dalawa buwan.
Sa ulat ng LTFRB sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Atty. Vigor D Mendoza II, sa dalawang buwang operasyon mula Hunyo hanggang Hulyo, umabot sa 226 na unit ng taxi at bus ang nasakote ng mga awtoridad sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Mendoza na magpapatuloy ang walang-humpay na panghuhuli, at idiin na nararapat lamang makatanggap ng magandang serbisyo at respeto ang mga komyuter mula sa mga drayber at operator.
“Walang anumang dahilan para magbiyahe ng mga bulok, madumi, at mabahong sasakyan. Malinaw ang panuntunan at alam ito ng mga operator bago pa sila pinagkalooban ng permiso para mamasada,” pahayag ni Mendoza.
Binalaan din ng Chairman ang mga operator na hindi mag-atubiling bawiin ng ahensya ang prangkisa ng mga pasaway na operator dahil sa pambabastos sa mga pasahero at sa buong sistema ng transportasyon.
Ayon naman kay Atty. Sherwin D. Vizconde, pinuno ng LTFRB Law Enforcement Division, 178 na taxi ang nahuli sa Caloocan at Quezon City bunsod ng mga reklamo mula sa publiko.
Bukod dito, 48 na bus din ang nahuli sa operasyong isinagawa ng mga enforcer sa NIA Road, Robinsons Antipolo, Monumento, at Mindanao Avenue.
Agad naman pinadalhan ng Show Cause Order (SCO) ang mga na operator ng mga nahuli upang pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat bawiin ang kanilang prangkisa.
Ang serye ng huli ay bahagi ng sorpresang inspeksyon na mismong si Mendoza ang nangunguna, kabilang ang pagmamasid sa mga jeepney, bus, at TNVS upang tiyaking malinis at presentable ang mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Trending
- Kotseng hahatakin ng financing itinakas, 6 sasakyan sinagasaan
- Cancer patient, 3 pa sugatan sa salpukan ng SUV, van sa Maynila
- P700m ismagel at pekeng Sapatos, nasamsam sa Cavite
- 226 bulok, dugyot taxi at bus, huli sa LTFRB
- Vice gov. Mamba, suspendido ng 90 days sa graft
- Sen. Bato naaresto, ‘fake news’
- Marcos, Dy, pinabubura permit para sa solar panel
- ERC, pinayagang maningil ang Meralco ng P8.7-B
