Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang malaman nito na nasa France na ang puganteng si dating Cong. Zaldy Co mula sa Czech Republic.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na iniulat ng Department of Foreign Affaris (DFA) sa Pangulo na nakatanggap ang departamento ng ‘highly reliable information’ na si Zaldy Co ay may pending petition para sa political asylum sa France.
“He has been requested to be transferred to and is now under the jurisdiction of French authorities. All missions in Europe have been instructed to obtain further official confirmation,” ayon kay Castro.
Kaya nga aniya nang makausap niya mismo si Pangulong Marcos ukol sa developmet na ito ay sinabi ng Pangulo sa kanya na dis-appointed ito sa mga nangyari dahil malapit na aniya sana na napauwi ng gobyerno ng Pilipinas si Zaldy Co subalit dahil mayroong ibang bansa na sangkot at lumalabas na ang nalabag lamang ni Zaldy Co ay ang paggamit ng invalid documentation kaya aniya ang bansang Czech Republic ang siya aniyang mag-uutos kung ano ang gagawin kay Zaldy Co.
Nauna rito, sinabi ni Castro na umaga ng araw ng Martes, Abril 28 ay natanggap na ng Malakanyang ang kompletong ulat mula kay Justice Secretary Frederick Vida at Foreign Affairs (DFA) Secretary Teresa Lazaro kaugnay ng kalagayan ng puganteng si Zaldy Co.
Batay aniya sa high level engagement nina Vida at Lazaro sa mga opisyal ng Czech Republic at sa mga kinatawan ng European Union, malinaw na ang mga hakbang na ginagawa ay naka-angkla sa paggalang sa umiiral na mga batas ng EU at mga member states nito.
Ang ganito aniyang mga usapin ay nangangailagan ng masinsinang diplomatikong proseso at koordinasyon sa pinakamataas na antas at ito mismo aniya ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas mula nang matukoy na hawak ng Czech Republic auhorties si Zaldy Co dahil sa paggamit ng invalid documentation.
Sa kasalukuyan aniya, kumpirmado aniyang wala na sa kustodiya ng Czech authority si Zaldy Co.
Tiniyak naman ni Castro na nananatiling matatag ang posisyon ng pamahalaan sabay sabing “we will work with foreign governments through every legal channel available under international laws to bring Zaldy Co home and face the graft and malversation cases filed against him.”
“Gagawin natin ang lahat ng naaayon sa batas at sa diplomatikong proseso,” diing pahayag ni Castro.
Samantala, inaasahan naman na magkakaroon ng pagpupulong, araw ng Miyerkules, Abril 29 si Pangulong Marcos kasama ang Ambassador ng France at Ambassador ng Czech Republic o chargé d’affaires para mapag-usapan kung anong pagkukulang, kung anong dapat na ginawa at ano ang dapat na maaari pang gawin para maibalik si Zaldy Co sa Pilipinas.
Makikita sa Commission on Audit (COA) kung magkano ang kabuuang halaga na ginastos ng Malakanyang sa pagpunta ng government team sa Prague para isulong ang pagpapauwi kay Zaldy Co sa bansa.
“Hindi naman po nagpunta doon ang ating mga opisyal para magbakasyon. Pinunta po nila doon ay trabaho para po sa kondisyon at kalagayan ni Zaldy Co. Kung anuman po ang nagastos dito, ito po ay trabaho ng gobyerno – maaari po itong makita sa COA,” ang sinabi ni Castro.
Trending
- Cebu host ng Asian Beach Games sa 2028
- Thunder tinalo ang Suns
- Bea isinasangkot sa reklamo?
- Lovi, ‘di papasukin ang pulitika
- Toni, tinabla si PBBM para kumandidato
- Labor groups, nanawagan ng mas mataas na sahod, mas mababang buwis
- Zaldy Co may aplikasyon sa asylum sa France
- Mas mahigpit na batas vs online sexual abuse

