Sumadsad sa baybayin ng Barangay San Teodoro sa Mabini, Batangas ang isang yate matapos mapatid ang mooring line nito dahil sa malalakas na alon.
Ayon sa PCG ang sasakyang-dagat na “Anastacia,” ay inanod patungo sa shoreline matapos maputol ang lubid na ng ankla nito.
Sa paunang pagsusuri ng Philippine Coast Guard, walang nakitang pinsala sa hull ng yate at wala ring naiulat na tagas ng langis o anumang senyales ng marine pollution.
Agad na nakipag-ugnayan ang Coast Guard Sub-Station Mabini sa may-ari ng sasakyang-dagat, lokal na pamahalaan at iba pang concerned agencies para maresolba ang insidente.
Tumulong din ang PNP Maritime Group at Coast Guard Station Batangas sa paghahanda para sa planong pag-refloat at ligtas na pagkuha sa yate.
Patuloy namang mino-monitor ng PCG ang kondisyon ng sasakyang-dagat at ang karagatan habang hinihintay ang mas paborableng kondisyon ng high tide para sa operasyon at mai-refloat ang yate.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM
