IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Setyembre 14, 2026, bilang special non-working day sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang payagan ang mga residente na makilahok sa ‘first regular parliamentary elections’ ng rehiyon.
“In order to give the people of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao the opportunity to actively and fully participate in the election and exercise their right to vote, it is but fitting and proper to declare Monday, 14 September 2026, as a special (non-working) day,” ang nakasaad sa Proclamation No. 1395 na inisyu ni Pangulong Marcos.
Ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections ay muling itinakda sa Setyembre 14, 2026, sa ilalim ng Republic Act No. 12317, na nag-amyenda sa Bangsamoro Organic Law.
Samantala, ang proklamasyon ay nilagdaan nitong Agosto 18 ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Marcos.
====
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM
