Hindi makakapaglaro si naturalized player Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas sa dalawang krusyal na laban nito kontra Jordan at Iran sa Window 4 ng 2027 FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers.
Kinumpirma ito ni Gilas head coach Tim Cone sa isang press conference sa Mall of Asia Arena nitong Lunes, Agosto 24.
Ayon kay Cone, hindi pa “healthy enough” si Brownlee para makapaglaro matapos makaranas ng ilang injuries.
Dahil dito, isang all-Filipino lineup ang isasabak ni Cone laban sa Jordan sa Agosto 28 at sa Iran sa Agosto 30, kapwa sa Mall of Asia Arena.
Umuwi ang 38-anyos na si Brownlee sa United States upang magpagaling at hindi rin muna sumabak para sa Ginebra sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
Sa pagkawala ni Brownlee, inaasahang mas malaking papel ang gagampanan ng nagbabalik na si Kai Sotto, kasama sina AJ Edu at June Mar Fajardo sa frontline ng Gilas.
Inaasahan ding magiging mahalaga ang ambag nina Kevin Quiambao at Carl Tamayo, na maaaring sumalo sa mga minuto na karaniwang kay Brownlee.
Nagbabalik din sa Gilas sina CJ Perez at Scottie Thompson, habang kasama sa backcourt sina RJ Abarrientos, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano at Chris Newsome.
Kasama rin sa pool sina Troy Rosario, Justine Arana at Justin Baltazar.
===
Trending
- Kanlaon nagbuga ng abo; 200-meter plume naitala
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
