Gaya ng naibalita ay magsasanib-puwersa nga sina Vic Sotto at Vice Ganda sa higanteng telon!
Inanunsyo na nga ang kanilang first ever collab, na ikina-excite ng kanilang mga tagahanga.
Naganap ito sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City nitong July 5.
Ang title ng kanilang ilalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre: The Greatest Showdown.
Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana.
Ani Vice Ganda, asahang puro katatawanan ang hatid ng nasabing pelikula nila ni Bossing.
Kakaiba ito sa dalawang magkasunod na MMFF entry niya na kapwa may pagkaseryoso.
Patuloy pa niya, katuparan daw ito ng matagal na niyang pangarap na makasama si Bossing.
“Buo na ang pagiging artista ko!” pagmamalaki ng Unkabogable Star.
======
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
