Nauwi sa pagreregalo ng bagong cellphone ang simpleng balak ni Isabelle Daza na bumili at sumuporta sa paninda ng isang health drink vendor na nakilala niya sa kalye.
Gusto sanang bumili ng aktres kay Catherine ngunit wala siyang dalang cash.
Nang alukin niya itong magbayad sa pamamagitan ng digital wallet, nalaman niyang wala nang magamit na cellphone ang tindera matapos masira ang kanyang device nang mahulog sa baha. MgaNatural na Sakuna
Sakto namang may cellphone sa sasakyan ni Isabelle kaya sa halip na umalis na lamang, kinuha niya ito at ibinigay kay Catherine.
Sa bagong phone, maaari na muling tumanggap ang tindera ng cashless payments mula sa kanyang mga customer.
Hindi roon nagtapos ang pagtulong ni Isabelle dahil ipinakilala rin niya sa kanyang followers ang health drink na ibinebenta ni Catherine para makatulong sa kanyang maliit na negosyo.
“This morning I wanted to buy and support ate Catherine but I didnt have cash on hand so I asked her if I could transfer to her via digital pay but she didnt have a cell phone. It broke during the flooding…” kuwento ni Isabelle sa kanyang video post.
Ibinahagi rin ng anak ni Gloria Diaz na na-inspire siyang gumawa ng ganitong gesture matapos mapanood ang content creator na si Jimmy Darts.
“Ive been so inspired recently watching @jimmydarts and I wanted to do the same for our kababayans. Its all thanks to you guys that I am able to help and there is no better feeling in the world, so thank you for your constant support and engagement and love on my page,” saad niya.
======
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
