Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang usap-usapan sa Senado matapos mag-viral ang insidente kaugnay kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, na agad niyang pinatulan sa noontime show na “It’s Showtime.”
Sa segment ng programa, ginamit ng komedyante ang mga linya at pangyayari mula sa naturang isyu sa Senado habang nakikipagkulitan kina Vhong Navarro at Jhong Hilario, na ikinatawa ng live audience sa studio.
Kabilang sa kanyang banat ang biro tungkol sa isang “pagdapa” at pagpasok sa opisina, na halatang may halong patama sa naging eksena sa loob ng plenaryo ng Senado noong nakaraang session.
“Sabi ko kay Anne Curtis, papasok ka ba? (Sabi) Papasok ako. ‘Pag dumating ako diyan, tatanungin n’yo ba’t nando’n ako?!” pagbibiro nito.
Dagdag pa ng Unkabogable Star: “Si Anne Curtis papasok dapat, nandiyan na kanina sa ABS, umuwi. Tumatakbo kasi siya, nadapa sa hagdanan. Bumalik si Anne. Get well soon, nadapa si Anne.”
Umani ng malakas na tawanan ang studio audience dahil sa banter, na muling nagpakita ng pagiging aktibo ni Vice Ganda sa pagkomento sa mga maiinit na usaping pulitikal.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
