Matinding batikos ang inabot ni Vice Ganda mula sa ilang netizens at concerned citizens matapos ang naging eksena nila ng Baby Dolls member na si Johaira sa segment na “Memerimar” ng “It’s Showtime.”
Dahil dito, may mga nanawagan pa sa MTRCB na aksyunan umano ang naturang pangyayari.
Nag-viral ang segment kung saan binugahan ni Vice ng tubig sa mukha si Johaira.
Kasunod nito ay bumanat pa ang TV host ng: “Anong nangyari sa’yo? Ba’t nagputik ka?”
Hindi ito ikinatuwa ng ilang fans ng P-pop group at mga netizens na nagsabing hindi umano naaangkop ang naturang biro.
Ayon sa kanila, maituturing itong racist joke at tila pang-aalipusta sa kulay ng balat ng singer.
Muli ring inungkat ng ilan ang mga dati nang isyung ibinabato kay Vice, kabilang ang umano’y body shaming at iba pang kontrobersyal na biro.
May ilan ding Gen Z netizens ang nagsabing hindi na umano angkop sa pampublikong telebisyon ang ilang ipinapalabas sa noontime show at nanawagan sa MTRCB na busisiin ang programa. Anila:
“This is morally degrading, not funny anymore.”
“Pwede ba ganiyanin si vice?”
“I don’t find it funny. nakaka degrade ng pagkatao.”
“Natatawa kayo dyan?”
“Nagputik??? dahil black sya???? bastos dn bunganga ng taong to.”
====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
