VALENZUELA TODAY : Ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamuno ni Mayor WES Gatchalian ay buong pusong ipinagmalaki matapos itong opisyal na makasama sa mga pinangalanang Mayors para sa Good Governance (M4GG), isang kilusan ng local chief executives na nagsusulong ng integrity, accountability, at transparency.
Si Mayor Wes na kasalukuyang naglilingkod sa kanyang ikalawang termino ay naglunsad ng ilang mga programa para sa kapakanan ng Pamilyang Valenzuelano, mula sa quality at inclusive education, robust social welfare initiatives, peace and order advantage, housing projects, hanggang sa disaster preparedness, at flood resilience efforts.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Valenzuela City ay patuloy na nagkamit ng pagkilala para sa mabuting pamamahala, kabilang ang natanggap na Seal of Good Local Governance para sa dalawang magkasunod na taon at pagpapanatili ng Unmodified Opinion mula Commission on Audit na isang malinaw na testamento ng transparency at accountability ng financial management nito.
Higit pa rito, champions din si Mayor WES sa child protection at ginawaran ng isa sa mga outstanding local governance programs sa 2024 ng Galing Pook Awards.
“Good governance is not a trend in Valenzuela – it has been our way of life for years. M4GG is a chance to bring the same fight for accountability and transparency to the national stage. ” ani Mayor WES.
Itinatampok ng inisyatiba ng Mayors for Good Governance ang mga mahuhusay na pinuno sa buong bansa na nagsilbing huwaran sa pagtataguyod ng mga pagpapahalaga, pagpapalaganap ng participatory leadership, at pagtiyak na ang bawat programa ay nararamdaman ng kanilang nasasakupan.
Sa pagiging bahagi ng roster na ito, sumali si Mayor WES sa isang komunidad ng mga pinunong nagtataas ng pamantayan ng good governance sa bansa.
Itinuturing ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pagkilalang ito bilang isang matibay at matatag na pangako ni Mayor WES Gatchalian sa mabuting pamamahala at ang kanyang dedikasyon sa paghahatid ng mabilis, dekalidad, mahusay na public service at mga programa para sa bawat Pamilyang Valenzuelano.(Roger Panizal)
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
