Ang Tropical Storm Fung-Wong na tatawaging UWAN pagpasok sa Pilipinas ay lumakas na at naging severe tropical storm.
Matatagpuan ito sa layong humigit-kumulang 1,500 km silangan ng Northeastern Mindanao, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay nito ang hangin na 95 km/h at bugso na umaabot sa 115 km/h, kumikilos pa-northwest sa bilis na 10 km/h.
🌀 Taya ng Panahon at Posibleng Epekto:
Inaasahang papasok sa PAR bandang hatinggabi o Sabado ng madaling araw, at tatawaging Uwan.
Maaaring mabilis itong lumakas at maging bagyo sa loob ng 24 oras, at posibleng umabot sa super typhoon sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.
Posibleng tumama sa lupa sa Northern o Central Luzon sa Lunes, sa pinakamalakas nitong antas.
⚠️ Babala at Paghahanda:
Maaaring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals sa silangang bahagi ng Luzon at Samar simula Biyernes ng hapon.
Ang pinakamataas na antas ng babala ay Signal No. 5.
Inaasahang masungit na panahon sa Linggo hanggang Martes sa Northern at Central Luzon.
Katamtaman hanggang napakagulong alon ang inaasahan sa mga baybayin ng Luzon, Visayas, at Mindanao simula Biyernes/Sabado; napakagulo hanggang delikadong alon sa Linggo pataas.
📢 Payo:
Pinapayuhan ang publiko at mga tanggapan ng disaster risk reduction na subaybayan ang opisyal na ulat at maghanda sa posibleng matinding lagay ng panahon.

Share.
Exit mobile version