Naaresto nang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang dating opisyal ng  Philippine National Police na   pangunahin suspek at mastermind sa pagkidnap pagpatay sa isang negosyante Korean National  matapos ang ilang taon pagtatago sa isinagawang operationsa Quezon City nitong Martes ng umaga ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Kinilala ni Remulla ang naarestong pugante na si ex- Lt Col Rafael Dumlao, na dating nakatalaga sa binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).
Si Dumlao ang itinuturong mastermind sa pagkidnap  at pagpatay sa negosyante si Jee Ick-Joo, sa loob ng Camp Crame at pagsunog sa labi nito.
Ayon kay Remulla, inaresto si Dumlao ng mga elemento ng CIDG sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping with homicide na ipinalabas ng korte 5:00 ng madaling araw sa Pasong Tamo, Quezon City.
“Dumlao was arrested at around 5:00 a.m. in Pasong Tamo, Quezon City pursuant to a warrant of arrest issued by the court. He was convicted for his role in the 2016 kidnapping and killing of South Korean businessman Jee Ick Joo,” pahayag ni Remulla.
Aniya, natutulog si Dumalo nang pasuking ng mga elemento ang pinagtataguan bahay base sa bitbit na warrant of arrest  mula sa korte.
“Yes he was sleeping in a house. the team CIDG entered the house based on the warrant. a tactical team entered, broke down the door, arrested him. He is now in CIDG NCR,” saad ni Remulla.
Narekober ng mga operatiba ang isang cal 9 mm pistol at isang cellhone at laptop ni Dumlao na isasailalim naman sa forensic examination upang alimin kung sino ang tumulong dito sa pagtatago.
Sinabi ni Remulla na pinawalang sala si Dumalo ng Angeles Court sa nasabing kaso noong June 2023  nguni’t binaliktad ito ng Court of Appeals, napatunayan guilty hinatulan ng reclusion perpetual, walang piyansa ipinagkaloob noong Sept. 2024.
Magugunita na si Jee Ick Joo, dinukot ng mga armardo kalalakihan  matapos na pasukin ang bahay nito sa Angles City Oct 18 2016. Dinala ang biktima ng mga suspek sa loob ng Camp Crame kung saan  ito pinatay sa sakal sa loob ng sasakyan at dinala sa isang funeral Caloocan City kung saan ito sinunog at  itapon sa inidoro ang abo. Tumanggi ang pamilya biktima na magbigay ng ransom dahil sa kabiguan na magbigay ng proof of life ng biktima.
“The killing of Jee Ick-Joo ito ‘yung resulta ng abuso sa tokhang kasi ang ginawa sa kanya kinatok lang sa pintuan. Sabi it was a drug raid, kinuha siya which turned out to be a kidnapping. yung tokhang kasi gave too much license to the PNP operatives to do things at their whim without the process of law,” ani ni Remulla.

Share.
Exit mobile version