Mismong si Glaiza de Castro ang nag-anunsyong tatlong buwan na siyang buntis.
Idinaan ito ng Kapuso actress sa Instagram.
Glaiza began her post with: “Entering another chapter.”
Ipinagpapasalamat ng aktres na nairaos niya ang maselang first trimester ng kanyang pregnancy.
“Grabe pala. Will share about this soon!” aniya.
Napagtanto ni Glaiza na wala daw katulad ang pagiging nanay.
Nakatulong daw ang pakikipag-usap niya sa mga tulad niya who’s expecting a child: “I need all the help I can get. Basta ang masasabi ko lang, ibang klase talaga ang mga nanay!”
Dinagsa ang post ni Glaiza ng mga congratulatory messages mula sa kanyang mga celebrity friends.
Noong July 30, 2026 ay naitanong kay Glaiza ang kanilang baby plans ng mister niyang si David Rainey.
Aniya, gusto daw muna nilang mag-ipon.
Wala din daw silang sinet kung kailan kailangang dumating ang kanilang anak–it would come daw at the right time.
Obyus na ito na ang tamang panahon.
=====
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
