Iginiit ni United States President Donald Trump na hindi sila gagamit ng nuclear weapon laban sa Iran sa gitna ng umiiral na sigalot sa Middle East.
“Why would I use a nuclear weapon? We’ve totally, in a very conventional way, decimated them without it,” ani Trump sa panayam ng media sa White House.
“No, I wouldn’t use it. A nuclear weapon should never be allowed to be used by anybody,” dagdag pa niya.
Nang tanungin kung hanggang kailan siya maghihintay para sa isang long-term peace deal sa Iran, tugon niya: “Don’t rush me.”
Ayon kay Trump, posibleng pinalakas ng Iran ang kanilang sandatahan sa loob ng dalawang linggong tigil-putukan, ngunit maaari aniyang itumba ito ng militar ng US ng halos isang araw.
“Their navy is gone. Their air force is gone, their anti-aircraft is gone… maybe they loaded up a little bit during the two-week hiatus, but we’ll knock that out about one day, if they did,” ani Trump.
“I want to make the best deal. I could make a deal right now… but I don’t want to do that. I want to have it everlasting,” dagdag pa niya.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
