Bagsak ang inaasahang ani ng mais sa ilang bayan sa Negros Occidental matapos salantain ng mga army worm ang mga taniman.
Kinumpirma ito ng lokal na tanggapan ng Department of Agriculture (DA), na nagsabing apektado ang mga barangay ng Sikatuna, Lima-lima at Sebucawan sa bayan ng Isabela, gayundin ang Barangay Quintin Remo sa Moises Padilla.
Ayon sa DA, mabilis ang pagkalat ng mga army worm at inihahalintulad ang pinsalang dulot nito sa red-striped soft scale insect na sumira noon sa malalawak na taniman ng tubo sa lalawigan.
Ang army worm ay itinuturing din na uri ng mga insekto na nagpapahirap sa sektor ng mga magsasaka ng Negros sa mga nakalipas na taon, na ngayon ay nanumbalik at hirap ang ahensiya ng agrikultura na puksain.
Kaugnay nito, nalaman na nakatakdang magsagawa ng karagdagang assessment ang kapitolyo ng lalawigan upang matukoy ang iba pang taniman ng mais na apektado ng mapanirang army worms.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
